ikaw at ako

palagi tayong nag-uusap
palagi as in gabi-gabi
minsan umaabot pa tayo ng umaga
me weekend nga na buong araw tayong nag-usap
kahit nga nasa work tayo
nakukuha pa rin nating mag-usap

ang saya ko pag nag-uusap tayo
ang saya ko pag naririnig ko boses mo
ang saya ko pag naaaliw ka sa 'kin
ang saya ko pag sinasabi mong miss mo 'ko
ang saya ko pag nilalambing mo 'ko
ang saya ko pag hinahug mo 'ko
o kinikiss
ang saya saya ko

bakit kaya?
bakit kaya namimiss kita?
bakit ikaw na lang lagi sa isip ko?
bakit paggising ko ikaw na agad naiisip ko?
ganun ka rin kaya?
namimiss mo rin kaya ako?
naiisip mo rin kaya ako?
pagkagising mo?
sa work?
sa bus?

ewan ko
di ko alam kung bakit
lam ko lang masaya ako
bahala na
bayaan ko na lang
di naman siguro to masama di ba?
wala naman tayong ginagawang masama di ba?

nalilito ako
bakit ako nalilito?
di na kasi ako sanay sa ganito
yung me tumatawag araw-araw
yung nilalambing

sabi mo friends tayo
pero bakit ganun?
di ko maintindihan
yung nafefeel ko
bakit namimiss kita ng ganito?
bakit iniisip kita ng ganito?
hindi naman ito normal
for just friends

hindi ako sanay ng ganito
di ako sanay sa style mo
nakakalito style mo

minsan nakita kitang me kausap na iba
ang sweet sweet nyo
parang sumakit yung heart ko
ba't ganun?

minsan din di mo ko pinansin
di ka rin tumawag
nalungkot ako
gusto kong magtampo
pero naisip ko
bakit ako magtatampo?
ano bang nagawa mong dapat kong ipagtampo?
wala naman di ba?

lalo akong nalito

nagising ako

sumakit yung heart ko
gusto kong magtampo
pero di dapat
wala akong right

nagising ako

kaya naisip ko
layuan muna kita
dahan dahan
para naman di masyadong shock
sa akin o sayo
naisip ko
di mo rin naman mapapansin
alam ko ganyan ka lang talaga
friendly
nasabi mo nga rin sakin yan
me kwento ka pa nga
na namis-interpret ka nung girl
sa friendliness mo
naisip ko
parang ako na rin yata ngayon
namimis-interpret ko na yata kabaitan mo
o paglalambing mo
yung mga hugs mo
yung mga kiss mo

dahan dahan lang

sabi ko nga sayo
para kang bagyong dumating sa buhay ko
na disturb mo balance ko
kung sira man ako noon
lalong akong naging sira ngayon
pero at least sirang masaya

napansin ko na rin lang
dumadalang na tawag mo
di na tayo nag-uusap palagi
di ka na rin naglalambing
wala ng hugs
wala ng kiss

ewan ko
pero napansin ko
parang cold ka na
siguro nga
o sensi lang talaga ako

nalungkot ako
pero mabuti na rin siguro yon
hayaan na lang
ganyan talaga
me katapusan
lahat ng kaligayahan
o kalungkutan
kung malungkot man ako ngayon
sasaya rin siguro ako bukas
hihintayin ko na lang
ang bukas ko

hinayaan ko na lang
mawawala rin naman
in time

kaya praktis ako
na parang wala ka
kahit andyan ka
ok rin na naging cold ka
nakatulong yun
usap pa rin tayo
pero di na gaya ng dati
minsan na lang
nonsense na rin
wala ka nang masabi sakin
wala rin akong masabi sayo

unti unti
nawawala na ang hangin
nawawala na ang ulan
humuhupa na yata ang bagyo

ngunit kung kelan medyo ok na
bumalik ka ulit
tangina naman
bakit ganun?

pagbalik mo
me patanongtanong ka pa
kung bakit ako nagbago
sabi mo pa
parang more than friends tayo
pootah!

hay naku
di ko na talaga alam
kung ano ang gagawin

masakit na naman heart ko
di ko na lang pinapansin
tanginang heart na to
andaling mabola
andaling maloko
andaling magmahal

mahal nga ba kita?
yan di ko masagot
di ko nga ba masagot?
o ayaw ko lang sagutin?
kasi di ko gusto ang sagot

di pa kita nakita
di ko alam kung totoo ka
pwede ba naman yun?
mahalin ang taong di mo pa nakita?

ang hirap
pinabayaan ko kasi
inander-estimate ko yung phone
tanginang telepono
kasalanan ng phone

ngayon eto na naman ako
torn
confused

hayaan ko na lang siguro
di pa naman for real
baka mawala rin
in time

magsawa ka
o kaya ako

kung hindi man
kung malaman ko man
kung maintindihan ko na
kung ano talaga
kung anuman
kung mahal kita

kung mangyari man
lalayo ako
isang araw
sana maintindihan mo

sensya na.

0 comments:

The author

The author
10% oxygen, 50% stubborn, 40%mood swings • a very loyal friend • voracious reader • loves Sidney Sheldon & Anne Rice • hates beef and veggies • caramel macchiato addict • longs to meet Lestat • occasionally polite • ever proud • cynic but still a romantic fool • unconventional • daring • dreamer yet a realist • brutally honest